Isa sa nagpapayaman at nagpapayabong sa
isang pamayanan o komyunidad ay ang knilang kultura. Ang mga kulturang ito na
nagmula pa sa kanilang mga ninuno ay patuloy na isinasabuhay upang ito ay hindi
mawala at makalimutan ng tuluyan. Ang mga iba-ibang kultura ay isang mahalagang
elemento sa pag-unlad ng isang lugar.
DANGGAYAN FESTIVAL
"Danggayan"- terminong ilocano na nangangahulugang pagkakaisa, pakikilahok, at pagtutulungan.
Ang kultura na maibabahagi ko sa aming lugar na tinawag na Isabela partikular sa bayan ng Quezon ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtulong at pagsuporta sa kapwa na nangangailangan ng walang hinihinging kapalit. Ang kultura naming ito ay mas mapapansin sa mga araw ng selebrasyon tulad ng kasal, kaarawan, mga annibersayo,panahon ng anihan atbp.
"Danggayan"- terminong ilocano na nangangahulugang pagkakaisa, pakikilahok, at pagtutulungan.
Ang kultura na maibabahagi ko sa aming lugar na tinawag na Isabela partikular sa bayan ng Quezon ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtulong at pagsuporta sa kapwa na nangangailangan ng walang hinihinging kapalit. Ang kultura naming ito ay mas mapapansin sa mga araw ng selebrasyon tulad ng kasal, kaarawan, mga annibersayo,panahon ng anihan atbp.
Bayanihan sa Kasalan
Kapag may kasalan lahat ng tao sa pamayanan
ay alam ito at hindi na kailangang mag-imbita sapagkat lahat ay imbitado sa
pagsasalo. Ang mga kalalakihan ay tutulong sa pagkatay at pagluto ng mga baboy,
baka, mga manok at kung ano pang ihahanda sa kasalan. Samantalang ang mga
kababaihan naman ay tutulong sa paghahanda ng lugar, paghahain ng mga pagkain
at paghuhugas na rin ng mga pinggan. Hindi lamang tulong sa mga trabaho ang
matatanggap ng kinasal ngunit pati na rin ang tulong pinansyal sapagkat kasali
rin sa aming kultura ang pagbibigay ng pera sa mga bagong kasal sa pamamagitan
ng pag”request” ng mga bisita kanta na ang kapalit ay pera. Ang perang maiipon
ay mapupunta sa bagong kasal upang magamit nila sa kanilang buhay bilang bagong
mag-asawa. Bilang pasasalamat ng mga pamilya ng kinasal ang mga natirang
pagkain sa handaan ay ipapamigay nila sa mga tumulong kasabay ang kanilang
matatamis na ngiti ng pasasalamat.
Bayahihan sa Araw ng Kaarawan
Tulad din sa kasalan tumutulong rin ang mga
tao sa paghahanda ng mga pagkain at ng mga laro tulad ng palo-sebo para sa mga bata. Kapag may kulang sa mga kagamitan marami ring
gustong magpahiram. Hindi rin uso ang bigayan ng mga mahal na kagamitan bagkus mga pagkain na kung anong meron sa kanila na maari nilang maibahagi sa may kaarawan tulad ng bigas, mga prutas, o mga gulay ang kanilang ibinibigay. Malimit lamang ang magarbong handaan kapag may kaarawan ang madalas
ay konting salo-salo lamang ng pamilya pagkatapos ay magbibigay na lamang sila
sa mga kapitbahay kung ano man ang meron na naihanda.
Bayanihan sa Pagluluksa
Kapag may namatay sa pamayanan, lahat ay
makikiluksa sa namatayan. Sapagkat ang pagluluksa ay nagtatagal ng ilang araw
bago ang libing, ang mga tao ay salitan sa pagtulong sa mga namatayan. Kabilang
sa mga tulong na ibinibigay ng mga tao ay ang pagtulong sa paghahanda at
paghahain ng mga pagkain, paggabay sa mga dumarating na bisita, paghuhugas ng
mga pinggan, at pakikiramay sa pagluluksa sa pamamagitan ng pagsama sa mga
namatayan umaga man o gabi.